DepEd, nakapagtala ng 20M enrollees sa darating na pasukan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Umabot na sa 20 milyong estudyante ang nakapag-enroll sa mga pampublikong eskwelahan para sa darating na pasukan.

“Sa kasalukuyan, meron na tayong 20 million na nagpatala, nag-enrol. Ito po ay 71 percent ng ating previous enrollment,” ayon sa pahayag ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Jesus Mateo noong Hulyo 15.

Dagdag pa ni Mateo, nasa 91 poersyento na raw ang kanilang projected enrollment para sa 2020-2021.

“Yung total 71 percent, kung pagbabasehan natin school year 2019-2020. Pero kung pagbabasehan natin yung projected enrollment natin ngayong school year na 2020-2021, nasa 91 percent na po,” ani Mateo.

“Kung ang ibang mga magulang nagbago ng isip, gusto nilang papasukin ang kanilang mga anak, meron naman tayong patakaran tungkol sa mga late enrollees po. May policy tayo na tinatanggap yung mga late enrollees,” dagdag pa ni Mateo.

Nagsasagawa rin daw ng maagang enrolment taun-taon ang kagawaran kada Enero.

“Kaibahan lang nung January, ang tinutukan lang natin Kinder, Grade 1 at Grade 7 at Grade 11. Pero dahil sa pandemya, minarapat natin na magkaroon ulit ng enrollment para ma-validate natin na yung dating mga estudyante ay papasok pa rin,” wika ni Mateo.

Dalawang linggo lamang ang itinagal ng enrollment noong Hunyo at ginawa lamang sa pamamagitan ng tawag, text, kiosk, at dropbox para sa mga nakatira sa malalayong lugar.

Nakatakdang mag-umpisa ang pasukan sa Agosto 24.

LATEST

LATEST

TRENDING