Año: Paggamit ng motorcycle shield, striktong ipatutupad sa Hulyo 20

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Striktong ipatutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields simula Hulyo 20 para mapigilan ang paglaganap ng Covid-19, ayon sa vice chair ng National Task Force against Covid-19.

Naunang pinahintulutan ang back-riding sa mga motorsiklo noong Hulyo 10 para sa mga mag-asawa at ine-require rin ang pagkakabit ng physical barriers.

“Ngayon sinisita at kino-cautionan sila. Starting Monday magpapatuapd na JTF (Joint Task Force)-SHIELD ng panghuhuli,” ani Interior Secretary Eduardo Año.

Inaprubahan aniya ng NTF Covid-19 ang motorcycle shields na dinisensyo ni Bohol Governor Arthur Yap.

Aniya, “Pinag-aralan naman yan, ‘yan ay safe. Even other countries like Indonesia ay ginagamit din yan”.

“Wala namang disgrasya, lalo pa ngang naging maingat yung driver,” dagdag pa ni Año.

“Nakita natin very safe dito sa Metro Manila,” wika ni Año sa disenyo ng Angkas.

Gayunpaman, umani ng kritisismo ang motorcycle shield katulad ng sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na nagsabing “delikado, nakakaabala, at walang saysay” ito.

Subali, hinikayat ni Año ang mga “motorcycle experts” na igalang ang palisiya ng pamahalaan.

“Marami kasi dyang expert sa pagmomotor. We respect na expert ka sa pagmomotor pero irespeto mo naman yung expert sa pandemic. Sila yung nagsasabi at nagliligtas ng buhay,” giit ni Año.

LATEST

LATEST

TRENDING