Duterte, hindi inirekomenda ang pagkapangulo sa anak na si Mayor Sara Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (kanan)

Hindi inirekomenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sundan ang kanyang yapak na maging pangulo ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu noong Hulyo 13, sinabi ni Duterte na dapat ipagpaliban na ni Mayor Sara ang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 maliban na lang kung buo ang tiwala nitong mapapabuti niya ang buhay ng mga Pilipino.

Aniya, “Sabi ko kay Inday, huwag ka mag-presidente unless you see something na kaya mo gawin para sa bayan”.

If it’s just a matter of ambition, lay off (Kung ambisyon mo lang, huwag na). Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang,” dagdag pa ng pangulo.

Iginiit ng pangulo na hindi sapat ang kanyang sahod sa bigat ng responsibilidad ng pagiging pangulo, sabay sinabing hindi yayaman ang kanyang anak na si Mayor Sara sa pagiging presidente maliban na lang kung magiging kurap ito.

Naunang sinabi ni Mayor Sara na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022, bagama’t inaming hindi niya tuluyang ipinipinid ang pinto sa posibilidad.

LATEST

LATEST

TRENDING