Bong Go: Hindi ABS-CBN ang tinutukoy na ‘oligarchs’ ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Bong Go

Tinanggihan ni Senador Bong Go ang mga alegasyon na ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sinabi nitong nabuwag na ang “oligarkiya” nang hindi nagdedeklara ng batas militar ay ang ABS-CBN.

Paglilinaw ni Go, ang pinupuntirya ni Duterte ay ang patuloy na krusada aniya ng pamahalaan kontra sa mga tiwaling opisyal at negosyanteng umaabuso sa sistema.

Aniya, “Sa pagkakaintindi ko, the President was not pertaining to any specific case but was talking about the impact of the administration’s continuing fight against corruption (Walang tinutukoy na kaso ang pangulo, bagkus ang kanyang tinatalakay ay ang epekto ng patuloy na paglaban ng administrasyon sa kurapsyon)”.

“Dahil sa laban nating ito, unti-unti na ring nabubuwag ang sistema ng oligarkiya sa bansa, without the need of declaring martial law (nang hindi nagdedeklara ng batas militar),” dagdag pa ni Go.

Sa talumpati ni Duterte sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu noong Hulyo 13, sinabi nitong mamamatay siyang maligaya sapagkat napatalsik na ang mga “oligarchs” na inabuso aniya ang kanilang kapangyarihang pulitikal. Subalit, hindi nagbigay ng pangalan ang pangulo.

Samantala, sinabi naman ni Senate Committee on Labor chair Joel Villanueva na baka hindi na mag-invest ang mga investors bunsod ng pagtanggi sa ABS-CBN franchise, dahil nagpapahiwatig aniya ito na pinipili lamang ng pamahalaan ang papaborang mga negosyo.

To deny the franchise of a company which has no clear violations of our laws send a signal that politicians can stop a business operation on a whim (Ang pagtanggi sa pagbibigay ng prangkisa sa isang kumpanyang walang pagkakasala sa batas ay nagpapahiwatig na maaaring ipahinto ng mga politiko ang mga negosyo nang basta-basta na lang),” ani Villanueva.

Dagdag pa ng senador, “This is not a conducive climate for investment and therefore contrary to public welfare (Hindi ito maganda para sa investment at dahil dito, taliwas ito sa kapakanan ng publiko)”.

LATEST

LATEST

TRENDING