SWS: Pagtanggi sa ABS-CBN franchise, “pag-atake sa press freedom” ayon sa 56% ng mga Pinoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Kinokonsidera ng karamihang mga Pilipino ang pagtanggi sa pagbigay ng panibagong prangkisa ng Kamara sa ABS-CBN bilang “blow to press freedom” or pag-atake sa malayang pamamahayag.

Ipinapakita sa resulta ng isang Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas noong Hulyo 11 na 56% ng mga Pilipino ay sang-ayon na isang pag-atake sa press freedom ang hindi pagbibigay ng panibagong prangkisa para sa broadcast network.

Samantala, 27% naman sa 1,555 na mga Pilipinong tumugon sa survey, na ginanap noong Hulyo 3 hanggang 6, ang nagsabing hindi ito pag-atake sa press freedom. 15% naman ang nagsabing hindi sila sigurado tungkol sa isyu.

Sa naturang survey, tinanong ng SWS ang mga rumesponde kung sang-ayon ba sila o hindi sa pahayag na: “Ang hindi pag-renew ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN ay isang malaking dagok sa kalayaan sa pamamahayag”.

Ayon sa SWS, “probability-based” survey ang kanilang isinagawa sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviewing (CATI).

Binanngit ng SWS na nakalap nila ang kanilang datos sa isang database ng mga mobile numbers mula sa SWS national at subnational representative face-to-face surveys simula noong 2017. Ang mga tumugon sa survey ay mga Pilipinong edad 18 pataas.

Sa 1,555 na respondents, 306 ay mula sa National Capital Region, 451 mula sa Balance Luzon, 388 mula sa Visayas, at 410 ay mula sa Mindanao.

Ipinahayag din ng SWS na ang kanilang isinagawang survey ay may sampling error margins na ±2% para sa national percentages, ±6% para sa Metro Manila, at  ±5% para sa Balance Luzon, Visayas,  at Mindanao.

LATEST

LATEST

TRENDING