Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang dapat ipangamba ang ibang media companies sa nangyaring pagtanggi ng Kamara sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.
Aniya, “I do not believe in the chilling effect [of the franchise denial] because first of all, news is not ABS-CBN’s full-time business but entertainment (Hindi ako naniniwala sa ‘chilling effect’ sapagkat sa entertainment nakatuon ang ABS-CBN at hindi sa pagbabalita)”.
Binanggit din ni Roque ang mga panganunahing pinagkakakitaan ng network na mga programa – ang “It’s Showtime” at “Ang Probinsyano”.
“Even though many watch TV Patrol, it is not its main source of livelihood (Bagama’t maraming tagapanood ng TV Patrol, hindi ito ang pangunahing pinagkakakitaan ng network),” giit ni Roque.
Umapela naman ang tagapagsalita ng pangulo sa taumbayan na igalang ang kapasyahan ng Kongreso dahil maaari naman aniyang palitan ang mga inihalal na mga mambabatas sa susunod na halalan na “boboto nang naaayon sa kagustuhan ng tao”.
“But as of now, that is the decision of the representatives of the people, that is the decision of the people. Let us let it be and wait for the judgment of the people on their representatives, if any (Sa ngayon, ito ang kapasyahan ng Kamara at ito ang desisyon ng tao. Antayin na lang natin ang husga ng tao sa kanilang mga representante, kung mayroon man),” paglilinaw ni Roque.
Sa botong 70-11, tinanggihan ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara noong Hulyo 10 ang hiling ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa, na nagresulta sa permanenteng pagpapasara ng network.