Kinikila ng Palasyo ang isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Hulyo 3 hanggang 6 kung saan karamihan ng mga Pilipino ay naniniwalang dapat bigyan ng panibagong prangkisa ng Kamara ang ABS-CBN.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “We lost a media partner in information dissemination, considering that the broadcast network has one of the widest, if not the widest reach, in the archipelago (Nawalan kami ng media partner sa pagbibigay ng impormasyon, sapagkat isa ang ABS-CBN sa may pinakamalawak na naaabot sa buong kapuluan)”.
Gayunpaman, iginiit ng Palasyo na ang pagbibigay ng prangkisa ay nasa Kongreso pa rin.
Subalit, ipinauubaya naman ng Malacañang sa Korte Suprema ang mga usapin ukol sa isa pa umanong kaparaanan ng pagbibigay prangkisa sa network – ang people’s initiative.
Ang people’s initiative ay isaang paraan ng pagsasabatas sa isang panukala na magmumula mismo sa taumbayan. Ang inihaing panukala ay pagbobotohan sa isang referendum.
“Whether the franchise of ABS-CBN may be granted through a people’s initiative despite the clear wording of R.A. 7925, whether it matters that a franchise bill is a private bill that must “originate exclusively in the House of Representatives” in accordance with Article VI, Section 24 of the Constitution — these and related questions we leave to the Supreme Court, as the final arbiter of the appropriate interpretation of these provisions in the Constitution and our laws (Kung ang pagbabatayan sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN ay sa pamamagitan ng people’s initiative, bagama’t malinaw ang nakasaad sa R.A. 7295, kung dapat ba itong ituring na ‘private bill’ na dapat magmula lamang sa Kamara alinsunod sa Artikulo VI, Seksyon 24 ng Konstitustyon – ipinauubaya na namin sa Korte Suprema ang mga katanungang ito bilang ‘final arbiter’ sa tamang interpretasyon ng Konstitusyon at iba pang mga batas),” paglilinaw ng Malacañang.
Sa botong 70-11, tinanggihan ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara noong Hulyo 10 ang hiling ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa, na nagresulta sa permanenteng pagpapasara ng network.