Malacañang: Duterte, 88% ‘physically healthy’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinahayag ng Malacañang na nasa 88 porsyentong “physically healthy” umano si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kapareho lamang ang estado ng kalusugan ng pangulo umano sa kahit sinumang tao na kasing-edad niya.

Aniya, “Well, like any other 75-year-old, para naman pong nasa 88 po ang physical health ng ating Presidente”.

Sinabi ni Roque na uuwi muna ang pangulo sa Lungsod ng Davao nang ilang araw matapos manatili ng ilang buwan sa Metro Manila dahil sa quarantine. Subalit, hindi naman nagbigay ng detalye ang tagapagsalita ng pangulo tungkol sa schedule ng pangulo.

“Siya po ay nasa Mindanao ngayon, doon po siya nag-o-opisina at may mga planong biyahe po pero iyon nga po, for security considerations, ako po ay pinagbawalan na sabihin,” ani Roque.

Tumuntong sa edad na 75 si Duterte ngayong taon habang nasa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic ang bansa. Sa pagkahalal nito bilang pangulo, madalas umalingawngaw ang usapin ukol sa kalusugan nito.

Noong Mayo, ibinasura ng Korte Suprema ang inhaing petisyon ng abogadong si  Atty. Dino de Leon para sa pagbubunyag sa kalusugan ng pangulo.

Ayon sa Mataas na Hukuman, ang kadalasang pagpapakita ni Duterte sa publiko at regular na pagdaraos ng televised meetings ay patunay na nasa maayos na kalusugan ang pangulo.

Gayunpaman, naunang inamin ni Duterte noong Nobyembre 2019 na hindi na katulad noong dati ang kanyang kalusugan. Subalit, iginiit niyang hindi ito makakaapekto sa kanyang tungkulin bilang pangulo.

Naging usap-usapan ang kondisyon ng pangulo matapos itong masangkot sa isang minor motorcycle accident noong Oktubre 2019.

Sa isang pagpupulong naman sa Filipino community sa Moscow, Russia noon ding Oktubre 2019, ibinunuyag ni Duterte na mayroon siyang “myasthenia gravis,” isang karamdamang nagdudulot ng kahinaan sa masel. Nagkaroon din ito ng cancer scare noong 2018.

Madalas ding makita ang pangulo na nakusot suot ng air purifier upang maprotektahan ito mula sa mga taong may ubo’t-sipon.

LATEST

LATEST

TRENDING