Cong. Sy-Alvarado: Hindi pinanghimasukan ng Malacañang ang desisyon sa ABS-CBN franchise

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula kay: Victoria Tulad (GMA News)

Sa isang Facebook post, pinabulaanan ni Bulacan 1st district Cong. “Kuya” Jose Antonio Sy-Alvarado ang mga kumakalat na post sa social media na nagsasabing posibleng maresolba ang mga isyu ng ABS-CBN kung hihingi lamang ito ng sinserong tawad kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Facebook page na “Kapamilya Online World”,  sinabi nitong “Bulacan 1st District Representative Jose Antonio Sy-Alvarado who voted #YesToABSCBNDenial, thinks that if ABS-CBN apologize sincerely to President Duterte, issues might be resolved [ABS-CBN Franchise] (Ayon kay Bulacan 1st District Representative Jose Antonio Sy-Alvarado na bumuto ng #YesToABSCBNDenial, kung hihingi ng sinserong kapatawaran ang ABS-CBN kay Pangulong Duterte, posibleng maresolba ang mga isyu nito tungkol sa prangkisa)”.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Sy-Alvarado na fake news umano ito sabay ipinost ang kanyang buong naging panayam sa Super Radyo DZBB upang ilagay sa konstekto ang kanyang sinabi.

Ayon kay Sy-Alvarado na siyang Vice Chair ng Legislative Franchises Committee sa Kamara, ang kanyang binanggit ay pagtugon lamang sa tanong ng host na si Ka Rene Sta. Cruz na kung si Duterte pa rin ang pangulo, malabo nang maibalik pa ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Hindi naman po siguro Ka Rene kasi, kung makikilala niyo po si Pangulong Duterte, malambot po ang puso ni Pangulong Duterte, madali pong maawa si Pangulong Duterte. Pero depende po… kung pakiramdam niya magpapakatotoo ka sa sinasabi mo, o kung humihingi ka ng patawad ay totoo ba ang sinasabi mo, sa kanyang pagturing rin sa kanyang taong kausap. Kung pakiramdam ng pangulo ay hindi ka sinsero, ay hindi ka niya pakikinggan,” paglilinaw ni Sy-Alvarado.

Idiniin naman ng mambabatas na hindi pinanghimasukan ng Malacañang sa ginawang kapasyahan ng Kamara tungkol sa ABS-CBN franchise.

“Ako po ay naniniwala dito kasi ni isang beses po ay hindi po kami nakarinig ng tawag sa Malacañang,” wika ni Sy-Alvarado.

Sa botong 70-11, tinanggihan ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara noong Hulyo 10 ang hiling ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa.

LATEST

LATEST

TRENDING