Malacañang, inaming dapat pinalawak na ang testing sa unang Covid-19 case sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Inamin ng Malacañang noong Hulyo 9 na dapat agaran nang pinalawak ang testing noong maitala sa bansa ang unang kumpirmadong kaso ng Covid-19.

Ipinahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung ano ang mga naging pagkukulang ng pamahalaan sa Covid-19 response.

Aniya, “If I were to look back, what we could have done better  (Kung babalikan natin, mas napabuti) siguro po, noong nagkaroon tayo ng unang kaso na imported case ng COVID, pinalawak na natin ‘yung ating testing capacity kaagad”.

Noong Enero 30, kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 sa bansa na nagmula sa isang 38-anyos na babaeng turista mula Wuhan, China, kung saan unang nadiskubre noong 2019 ang SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng Covid-19.

“Inaamin po natin na medyo naging mabagal ‘yung pagproseso na lumipas po ang dalawang buwan, iisa lang po ang ating testing facility, ang RITM [Research Institute for Tropical Medicine]. Marso pa lang tayo nagsimula magkaroon ng mas marami pang laboratories,” ani Roque.

Dadgag pa niya, “Pero nakita niyo naman po, mabilis din po natin napataas ang numbers ng ating mga laboratories. Meron na po tayong 70 plus ngayon, ilang buwan lang noong Enero”.

Ayon sa Covid-19 situationer ng DOH, mayroong 78 na lisensyadong Covid-19 laboratories sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING