Cayetano, nagbabala sa mga may-ari ng media na sangkot sa pamumulitika

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Nagbabala si House Speaker Alan Peter Cayetano noong Hulyo 9 sa mga may-ari ng media na pumapasok sa pulitika para protektahan ang interes ng negosyo.

Sa isang pagdinig tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, iginiit ni Cayetano na ang nagaganap na legislative proceedings ay malinaw na patunay sa “marupok” na demokrasya sa bansa.

Binigyang diin nito na may mas malaking isyu pa ang ABS-CBN, partikular na ang partisipasyon ng mga malalaking negosyo at ang papel ng media sa pulitika.

Aniya, “‘Pag naging masyadong makapangyarihan po ang isang pribadong korporasyon, o isa pong mayaman, o makapangyarihan sa ating bansa, na parang siya na ang may-ari ng gobyerno, it is an even bigger threat to our democracy (ito ay mas malalang banta sa ating demokrasya)”.

How shall we decide on claims that it will be a blow to press freedom if the owners of a private media corporation are denied the privilege of using public airwaves for a private business that protects their interest and supports their handpicked candidates while targeting those who oppose them (Paano tayo magpapasya ukol sa usapin ng malayang pamamahayag kung ang may-ari ng media ay tumutol sa pagpapagamit ng pampublikong airwaves para sa pribadong negosyo habang pinapaboran naman ang kanilang mga piniling kandidato)?”

Samantala, sinabi ni Anakalusugan Party-list Rep. Michael Defensor na ang pagboto laban sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN ay boto para ihinto ang paghahari ng oligarkiyang nagpapahirap sa taumbayan.

Ayon naman kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, hindi lamang ito isyu ng press freedom dahil kabilang din dito ang implikasyong “social at moral” katulad ng paggamit ng Philippine depositary receipts (PDRs) para malusutan ang pagbabawal sa foreign ownership at pagtatago sa likod ng mga tax shields.

I think the bigger issue would be the social and moral considerations of a big corporation like (Sa tingin ko ang mas malaking isyu at ang epektong sosyal at moral ng malaking korporasyon katulad ng) ABS-CBN Corp. tungkol sa kanilang pamamalakad para sa bansang Pilipinas,” ani Barzaga.

Dagdag pa niya, “Hindi lahat ng hinahayaan ng batas ay marangal. We have so-called corporate social responsibility. Meron din tayong ethical and moral considerations”.

Iginiit naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na nilinis na ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga isyung bumabagabag sa ABS-CBN franchise.

“Malinaw ang binanggit na mga inimbitahan nating resource persons sa iba’t-ibang regulatory agencies, walang napatunayang pagkakasala ang ABS-CBN ,” wika ni Zarate.

LATEST

LATEST

TRENDING