Andanar, kinilala ng Davao City bilang “modelo” sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PCOO Secretary Martin Andanar

Kinilala ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar bilang “modelo” para sa iba pang mga lokalidad sa pagtugon sa laban kontra Covid-19 ang Lungsod ng Davao.

Sa isang pahayag, pinuri ni Andanar si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa kanyang “proactive approaches” sa pagpigil sa paglaganap ng Covid-19 sa lungsod.

Mayor Sara Duterte’s effective government interventions have aided Dabawenyos in their daily struggles as they found themselves confined in their homes and lacking a stable source of income and resources, following the strict implementation of community quarantines (Ang mga epektibong ipinapatupad na hakbang ni Mayor Sara Duterte ay nakatulong sa mga Dabawenyo sa kanilang pang-araw-araw na hamon dahil sa pagkawala ng kita bunsod ng community quarantine),” ani Andanar.

Iginiit ni Andanar na napanatili ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa kani-kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng apat na food relief programs: ang food ration, agri-food, hot meals-on-wheels, at rice distribution program.

Bukod dito, naging matagumpay din aniya ang pag-implementa ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program ng pamahalaang nasyonal para matulungan ang mga Dabawenyo na makapaghanapbuhay.

Mas napaigting naman ito sa pagpapatupad ng “Work for Davao”, “Eskwela Davao”,  at iba pang mga educational assistance programs, wika ni Andanar.

Agad din daw inilunsad ng Davao City ang paggamit ng coded passes, para sa pagkain at medisina, upang malimitahan ang paggalaw ng tao sa panahon ng pandemiya.

Binanggit din ni Andanar na nagpamalas ng “mahusay na disiplina” ang mga Dabawenyo sa pagsunod sa quarantine protocols at health standards.

Noong Abril 4, isinailalim ang Davao City sa enhanced community quarantine (ECQ) na kinalauna’y pinaluwag sa general community quarantine (GCQ). Kasalukuyan namang nasa modified GCQ (MGCQ) ang lungsod hanggang Hulyo 15.

Batay sa datos noong Hulyo 8, iniulat ng Department of Health-Davao na mayroong 648 Covid-19 cases sa rehiyon, kabilang ang 33 na nasawi at 406 na gumaling. Sa kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso, 484 ang naitala sa Davao City.

LATEST

LATEST

TRENDING