Zubiri: 50 katao lamang ang makakadalo sa SONA ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Karl Norman Alonzo (Malacañang Photo)

Malaki ang posibilidad na 50 katao lamang ang papayagang makapasok sa Batasang Pambansa para mapakinggan ang paglalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang ika-lamang State of the Nation Address (SONA). Kabilang dito ang ilang mambabatas at staffers, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri noong Hulyo 9.

Isasapinal pa aniya ang planong limitahan sa 50 katao ang maaaring makadalo sa SONA ni Duterte. Bagama’t patuloy pa rin ang banta ng Covid-19, nais pa rin umano ng pangulo na idaos ang kanyang SONA sa nakagawiang venue, ayon kay Zubiri.

It will be a skeletal crew of senators and congressmen listening to the president… to protect the president and congressmen from the transmission of the virus (Magkakaroon lamang ng skeletal crew ng mga senador at kongresista na makikinig sa pangulo… upang maprotektahan ang pangulo at mga mambabatas mula sa transmisyon ng virus),” ani Zubiri.

Ang parehong Senado at Kamara de Representatntes ay mabibigyan ng 12 hanggang 13 slots bawat isa, habang ang natitirang headcount ay ilalaan naman para sa delegasyon ni Duterte, kasama ang kanyang security at technical staff.

Walaong senador at limang miyembro ng Senate Secretariat ang pisikal na dadalo sa Batasang Pambansa, habang ang natitirang miyembro ng Senado ay maaaring manood sa Senate session hall o hindi kaya sa pamamagitan ng videoconference, paglilinaw ni Zubiri.

Sa ngyaon, ang mga senador na dadalo nang pisikal sa Batasang Pambansa ay sina Senate President Vicente Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senador Pia Cayetano, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Senador Sherwin Gatchalian, Senador Panfilo Lacson, at Senador Francis Tolentino.

Samantala, si Senador Bong Go naman na dating malapit na assistant ni Duterte, ay “tiyak” na dadalo subalit maaaring kabilang ito sa delegasyon ng pangulo, wika ni Zubiri.

Naghanda ng dalawang opsyon ang Malacañang para sa ika-lamang SONA ni Duterte kabilang ang planong isagawa na lamang ang SONA sa Malacañang para makaiwas sa Covid-19 ang pangulo.

Nauna namang inanunsyo ng mga mambabatas na sa Hulyo 15 ibubunyag ang pinal na plano para sa gaganaping SONA.

LATEST

LATEST

TRENDING