Lacson: PRRD, hindi awtorisadong magklasipika ng grupong terorista sa ilalim ng Anti-terror law

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Wala umanong unilateral authority si Pangulong Rodrigo Duterte upang ideklara bilang grupong terorista ang isang grupo sa ilalim ng Anti-Terrorism Act, ayon kay Senador Panfilo Lacson noong Hulyo 9.

Ang mga birada ni Duterte sa mga rebeldeng komunista ay dapat ituring lamang aniya bilang “personal na opinyon” at hindi “opisyal” na designasyon ng grupo bilang mga terorista.

Only the Court of Appeals, under the Anti Terrorism Act of 2020 can order the proscription, not the ATC nor the president (Tanging Court of Appeals, sa ilalim ng Anti Terrorism Act of 2020 ang makakapag-utos ng proskripsyon, hindi ang pangulo o ATC),” ani Lacson.

Dagdag pa niya, “There is a judicial process involved – meaning full court intervention via the Court of Appeals, complete with due notice and hearing (May prosesong panghukuman na kabilang – ibig sabihin, may pangingialam ang korte sa pamamagitan ng Court of Appeals na may karampatang notisya at pagdinig)”.

Kinakailangan din umanong magpakita ng pruweba ang Department of Justice (DOJ) sa pagklasipika sa isang organisasyon bilang teroristang grupo, wika ni Lacson, na siyang principal sponsor ng batas sa Senado.

Kung mababansagang terorista ang isang grupo, hindi ito nangangahulugang sila ay aarestuhin subalit nagsisilbi lamang itong signal para sa Anti-Terror Council na atasan ang mga awtoridad na i-freeze ang kanilang pag-aresto, paglilinaw ni Lacson.

Aniya, “Designation for the purpose of freezing the accounts and assets is not exempt from judicial scrutiny since the said designated individual or group can still file a petition with the CA to appeal (Ang designasyon para sa freezing ng accounts at assets ay saklaw pa rin ng korte sapagkat maaaring maghain ang itinuring na terorista ng apela sa CA)”.

It is not absolute or discretionary on the part of the ATC (Hindi ito absolute at walang diskresyon ang ATC),” dagdag pa ng senador.

Ipinahayag ni Lacson ang mga paglilinaw matapos magkomento ang Philippine Army na kabilang ang mga rebeldeng komunista sa bagong batas.

Noong 2017, idineklara ni Duterte ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista matapos maudlot ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebelde at ng pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING