‘Bato’: Buwagin ang pamahalaan kung hindi ito pinagkakatiwalaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Ronald “Bato”dela Rosa

Binanatan ng galit na si Senador Ronald “Bato”dela Rosa ang mga kritiko ng administrasyon sa pagpapatupad nito ng “war on drugs” kung saan nagsilbing tagapagpatupad nito si dela Rosa noong siya ay pinuno pa ng Philippine National Police (PNP).

Tinuligsa rin ng senador ang inilabas na ulat ng United Nations at sinabing ang mga grupong pangkarapatan na lamang ang magpatakbo ng pamahalaan kung wala naman silang tiwala sa mga kasalakukuyang opisyal na nakaupo.

Sa nasabing ulat ng United Nations, nagkaroon umano ng mga seryosong paglabag sa karapatang pantao sa bansa ang kampanya kontra droga ni Duterte, kabilang ang “talamak at sistematikong” extrajudicial killings na nagresulta sa pagkasawi ng libu-libo, ayon kay UN rights chief Michelle Bachelet.

Mariing pinabulaanan ito ni dela Rosa at iginiit na mahigit 5,000 lamang umano ang mga nasawi.

Nang tanungin naman ang senador kung bakit dapat pagkatiwalaan ng publiko ang mga inilalabas na datos ng PNP,  sinabi nitong: “If you do not trust the PNP numbers, we dissolve the PNP, if you don’t trust the government, let’s remove the government. Fine, let’s dissolve it all, even the government if we don’t trust them. Let the human rights groups rule the country if that’s the way they want it, if we don’t trust government instrumentalities (Kung wala kayong tiwala sa datos ng PNP, buwagin natin ang PNP. Kung wala kayong tiwala sa pamahalaan, buwagin din ang pamahalaan. Mga grupong pangkarapatan na lang ang mamuno sa bansa kung iyan ang nais nila).”

Who is she to say that about us? They said 27,000 were killed in the drug war when the official record of the PNP is only at more than 5,000…I welcome that move if they will go here so that they will see for themselves the truth. But it’s not for me to decide, that’s an executive decision to allow them to enter the country (Sino ba siya para magsabi ng ganyan tungkol sa atin? Sabi nila 27,000 ang pinatay bagama’t nasa mahigit 5,000 lang ang datos sa PNP… Kikilalanin ko ang kanilang tindig kung pupunta sila dito para malaman ang katotohanan. Subalit, hindi ako ang magpapasya diyan),” dagdag pa ng senador bilang pagtugon kay Bachelet.

Bago maluklok sa Senado, pinangunahan ni dela Rosa ang kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kasakuluyan, nanunungkulan ang senador bilang chair ng Senate committee on public order and illegal drugs, na may hurisdiksyon sa mga usapin sa pagpapatupad ng batas.

LATEST

LATEST

TRENDING