ABS-CBN franchise renewal, tinanggihan ng komite sa Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Sa botong 70-11, tinanggihan ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara de Representantes ang hiling ng ABS-CBN Corp. na mabigyan ng panibagong prangkisa, na nagresulta sa permanenteng pagpapasara ng network.

By no means can this franchise application be related to press freedom (Walang kinalaman ang franchise application sa usapin ng press freedom),” giit naman ng technical working group na naghain ng resolusyon laban sa ABS-CBN.

Dagdag pa, “It is what it is–a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise (Ito lamang ay pagtanggi ng Estado sa aplikasyon ng network dahil napatunayang hindi ito karapat-dapat bigyan ng prangkisa).”

Ang resulta ng boto ay nangangahulugan sa pagkawala ng trabaho ng mahigit 11,000 na mga manggagawa sa ilalim ng ABS-CBN group of companies, partikular na sa serbisyong broadcasting kung saan naaabot nito ang nasa 80 milyong Pilipino sa bansa at abroad.

Patuloy na nalulugi ang kumpanyan nang P30 bilyon hanggang P35 bilyong kita bunsod ng cease-and-desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network sa pagtatapos ng prangkisa nito noong Mayo 4.

Ito ay taliwas sa nakagawian ng NTC na pagpapahintulot sa ibang media networks na manatili sa ere habang ginagawa ang pagdninig para sa panibagong prangkisa.

Nanatiling nakabinbin ang mga bagong bills para sa franchise renewal ng network sa Kamara simula noon pang 2014, at hindi umusad hanggang sa umalingawngaw na ang usapin bunsod ng pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN.

Naging kalbaryo ang aplikasyon ng ABS-CBN dahil sa hidwaan nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsabi noong Disyembre 2019 na gusto niyang ipasara na ang network.

Gayunpaman, nagbago ang pananaw ng pangulo nang humingi ng tawad ang pangulo at CEO ng network noong Pebrero dahil sa negatibong campaign ad na inere laban sa noo’y alklade ng Davao City na si Duterte.

Tinanggap naman ng pangulo ang paghingi ng tawad at iginiit na magiging “neutral” ito sa isyu ng ABS-CBN.

Huling ipinasara ang ABS-CBN 50 taon na ang nakalilipas dahil sa pagkamkam ng dating diktador na si Ferdinand Marcos sa network matapos magdeklara ng martial law noong 1972.

Muling nilaban ng pamilyang Lopez ang pagkamit sa assets ng kumpanya at nagbalik-operasyon ito matapos ang makasaysayng EDSA Revolution noong 1986 na nagpatalsik kay Marcos.

Pinawalang-sala na ng mga ahensya ng pamahalaan ang ABS-CBN patungkol sa alegasyon ng tax fraud, paglabag sa foreign ownership restriction sa mass media, at iba pang ligal na isyu.

Gayunpaman, iginiit ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na hindi opinyon ng Securities and Exchange Commission, at iba pang mga ahensya ang masusunod hinggil sa franchise renewal ng network.

It is the will of Congress that should be accorded due respect (Ang kalooban ng mga mambabatas pa rin ang dapat bigyan ng paggalang),” paglilinaw ni Marcoleta noong Hulyo 9.

LATEST

LATEST

TRENDING