SC: Madalas na pagpapakita ni PRRD sa publiko, patunay na wala itong seryosong sakit

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Bullit Marquez (AP Photo)

Nagdesisyon ang Korte Suprema na ang madalas na pagpapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng publiko sa nakalipas na mga buwan at patunay na wala siyang seryosong karamdaman.

Sinabi ito ng Mataas na Hukuman sa inilabas na anim na pahinang notice of resolution, dalawang buwan matapos ibasura ang petisyong naglalayong ibunyag ang health records ng pangulo.

Binigyang diin ng Korte na ang madalas na pagdaraos ni Duterte ng Cabinet meetings at televised addresses tungkol sa Covid-19 response ay nangangahulugan na wala siyang iniindang seryosong sakit.

Noong Mayo, ibinasura ng Korte ang inihaing petisyon ng abogadong si Dino de Leon na iginiit na dapat isapubliko ng Office of the President ang estado ng kalusugan ni Duterte batay sa nakasaad sa Saligang Batas.

Tatlong mahistrado ang bumoto laban sa petisyon habang dalawa naman ang pumabor.

Nakasaad sa notice of resolution na hindi pinatunayan ng petitioner na may nilabag na karapatan at ang kanyan umanong mga paratang hinggil sa mga karamdamang iniinda ng pangulo at nakabatay lamang sa online news kung saan itinuring ito bilang mga tsismis lamang.

Ayon sa Mataas na Hukuman, diskresyon ni Duterte kung paano nito ipagbibigay-alam sa taumbayan ang estado ng kanyang kalusugan.

Naunang inamin ni Duterte na iniinda niya ang ilang sakit tulad ng arawang migraine, nausea, pananakit bunsod ng spinal injury, Buerger’s disease, at Barrett’s esophagus o kumplikasyong nagdudulot ng heartburn o acid indigestion.

LATEST

LATEST

TRENDING