Robredo, walang balak tumakbo sa 2022

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Ipinahayag ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Hulyo 8 na kasalukuyang wala siyang planong tumakbo sa 2022 elections, bagama’t marami ang nananawagan na tumakbo siya sa pagkapangulo.

Iginiit ni Robredo na nakatuon ang kanyang atensyon ngayon sa mga tungkulin niya bilang pangalawang pangulo.

Aniya, “Kung iisipin ko iyong 2022, siguro hindi ko na magagampanan nang maayos iyong trabaho ko. Hindi ko na magagampanan nang maayos iyong trabaho ko, kasi ang iisipin ko na lang saan ba ako makakakuha ng maraming boto. Siguro araw-araw nasa media ako, nagpapa-interview—araw-araw sa TV—para mas grabe iyong media exposure. Salungat iyan sa ninanais natin na magtrabaho”.

Para sa pangalawang pangulo, hindi tama na mag-isip tungkol sa susunod na halalan habang nasa opisina pa siya.

“Pero sa akin talaga, parang iyong lugi iyong taumbayan. Lugi iyong taumbayan kung nakaupo ka pa nga, ang iniisip mo iyong susunod na eleksyon, kasi lahat na desisyon mo affected na. Kaya sa akin, para sa akin, malaking disservice sa tao kapag ang namumuno sa kanila, lalo na ngayong pandemic, ang iniisip pa din pulitika,” paglilinaw ni Robredo.

Ipinaliwanag din niyang wala siyang pinlano sa kanyang karera sa politika.

“Ang record ko sa politika, wala akong pinlano—iyong pag-congressman ko, pag-VP. Hindi ko pinlano, dumating na lang,” wika ni Robredo, na siyang asawa ng yumaong Naga City mayor at dating Interior Secretary Jesse Robredo.

Ang mga naging pahayag ni Robredo ay reaksyon sa komento ng aktres na si Sharon Cuneta, na naunang sinabi na maibabalik daw ni Robredo ang pagiging “disente” sa bansa kung magiging pangulo ito sa 2022.

LATEST

LATEST