Mga suspek sa pagpatay kay PMA Cadet Dormitorio, ipinaaresto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Jigger J. Jerusalem (PNA)

Naghain ng warrant of arrest si Presiding Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera ng Baguio City Regional Trial Court Branch 5 sa anim na suspek na naging sanhi sa pagkasawi ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa hazing.

Sa kautusan, hindi pinahintulutang makapag-piyansa sina PMA 3rd Class Cadets Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr. at Cadet Julius Carlo Tadena.

P200,000 naman itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan sa mga opisyal ng PMA Station Hospital na sina Capt. Flor Apple Apostol, Maj. Maria Ofelia Beloy at Lt. Col. Ceasar Candelaria.

Samantala, ipinahayag naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa itong makipagkooperasyon sa imbestigasyon upang makamit ang hustisya para kay Dormitorio.

We once more commit to the court that we will cooperate and, when needed, assist in the swift dispensation of justice. We owe it to the people–especially to the parents of the late Cadet Darwin Dormitorio—and the community of PMA Alumni (Makikipagkooperasyon kami sa hukom para agarang makamit ang hustisya. Ito ay alang-alang sa taumbayan, lalo na sa mga magulang ng yumaong si Cadet Dormitorio at sa komunidad ng PMA Alumni),” wika ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo. 

Noong 2019, binawian ng buhay ang noo’y 20-anyos na si Dormitorio dahil aniya sa paulit-ulit na pambubugbog sa kanya ng kanyang mga upperclassmen sa PMA.

LATEST

LATEST

TRENDING