Ngayong panahon ng pandemiya, pinagkakaabalahan ng aktor na si Enchong Dee ang pagbibigay ng tulong sa mga taong naapektuhan ng Covid-19 krisis sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain at PPE para sa mga frontliners.
“Itong nangyari sa atin, may choice ka eh, gusto mo bang mapabuti or mas mapasama pa. Ito na ‘yung opportunity natin para baguhin yung sarili natin for the better,” ani Enchong.
Ibinahagi rin ng aktor na naging inspirasyon niya sa pagtulong ang kanyang mga magulang na nagturo sa kanya na maging mapagpakumbaba sa pagpapaabot ng tulong.
Payo naman ni Enchong sa kabataan, “Gamitin natin yung impluwnesya natin, katalinuhan natin, at pang-unawa natin para tulungan yung mga taong mas nangangailangan”.
Samantala, walang tigil din ang pagbibigay-tulong ng aktres na si Bea Alonzo.
Kamailan ay nagpaabot ang “I Am Hope” foundation ni Bea ng tulong sa isang bahay-ampunan sa S.O.S. Children’s Villages sa Lungsod ng Muntinlupa.