Duterte sa mga Pinoy: Sunding maigi ang mga patakaran sa non-essential travel

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inabisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taumbayan na striktong sundin ang mga alituntunin tungkol sa non-essential travel patungo sa ibang bansa habang nasa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic.

Ito ay binaggit ng pangulo matapos alisin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang suspensyon sa non-essential outbound travel para sa mga Pilipino.

Aniya, “Suspension of non-essential travel by Filipinos is now lifted. All exit travel restrictions are also lifted (Tinanggal na ang suspensyon ng non-essential travel para sa mga Pilipino. Lahat ng exit travel restrictions ay inalis na rin). Conditions for outbound travel of Filipinos, yung Pilipinong gustong lumabas sa bayan niya, ito lang ang tandaan ninyo”.

Sa inilabas na IATF Resolution 52 noong Hulyo 6, kailangang kumpirmahin ng mga Pilipinong babiyahe gamit ang tourist visa ang kani-kanilang mga round-trip tickets bago pahintulutang makaalis ng bansa.

Kailangan ding magsumite ng travel at health insurance para matustusan ang rebooking at accommodation expenses kung sakaling ma-stranded o magkasakit.

Mandatoryo rin ang pagpapakita ng pruweba na sila ay pinapayagang makapasok sa pupuntahang bansa.

Kailangan ding gumawa ng kasulutang pagkilala sa mga posibleng kakaharaping banta sa biyahe.

Sa mga pabalik naman ng bansa, kailangang sundin ang itinakdang mga panuntunan ng National Task Force against Covid-19 katulad ng mandatoryong quarantine at testing.

Gayunpaman, bagama’t inalis na ang paghihigpit sa non-essential outbound tourism, pinaalalahanan pa rin ng pangulo ang mga Pilipino na huwag maging kampante dahil mananatili pang matagal aniya ang banta ng Covid-19.

Idiniin ni Duterte na magwawakas lamang ang pandemiya kung sakaling may matutuklasan na bakuna o gamot na panlaban sa coronavirus.

All I am asking is that you obey government because government is very much interested that you don’t get sick. Or if you get sick, that you get well and would live to see your children grow, and your grandchildren to love (Ang tanging hiling ko lang ay sumunod kayo sa gobyerno dahil hindi namin gusto ang magkasakit kayo. O kung magkasakit man, na mabubuhay kayo at makikitang lumalaki ang inyong mga anak at apo),” giit ni Duterte.

LATEST

LATEST