Cayetano: Walang pagbabanta sa pagboto sa ABS-CBN franchise bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
House Speaker Alan Peter Cayetano
Kuha ni: Danny Pata (MSN)

Pinabulaanan ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong Hulyo 8 ang mga usap-usapan na ilang religuous groups at congressional leaders umano ang nagbabanta at nananakot sa mga mambabatas upang bumoto nang pabor sa ABS-CBN franchise renewal.

Ipinahayag ito ni Cayetano sa pagtatapos ng pagdinig sa ABS-CBN isyu sa ilalim ng mga komite ng Kamara.

As the committee hearing [on] the franchise of ABS-CBN approaches the day where its members have to decide on the fate of the network, the House leadership would like to reiterate that each vote must and will be based on the appreciation of the facts as they have been presented by both sides during these exhaustive proceedings, as well as the application of the relevant laws and public policy (Sa nalalapit na pagboto ng mga mambabatas sa kapalaran ng network, inuulit ng liderato ng Mababang Kapulungan na ang bawat boto ay dapat nakabatay sa mga pinag-usapan at pinagdebatihan sa pagdinig, at sa mga batas at palisiya ng bansa),” ani Cayetano.

Dagdag pa niya, “Rumors of threat and intimidation coming from certain groups, even linking it with specific religious organizations, and congressional leaders are completely false and is an unproductive exercise in trying to manipulate the vote to favor a particular decision (Ang mga balita ng pagbabanta at intimidasyon mula sa ilang grupo, na iniuugnay pa sa ilang religious organizations at congressional leaders ay hindi totoo, at ito ay hindi makakapag-impluwensya sa ating mga mambabatas,” he added.

Iginiit ni Cayetano sa mga kapwa mambabatas na bumoto nang naaayon sa “konsensya” hinggil sa isyu ng ABS-CBN.

Noong Mayo 5, ipinahinto ng National Telecommunications Communications (NTC) ang operasyon ng television at radio broadcasts ng ABS-CBN alinsunod sa pagwawakas ng prangkisa nito noong Mayo 4.

Ipinahinto rin ng NTC noong Hunyo 30 ang operasyon ng digital transmission ng network gamit ang Channel 43 ng Amcara Broadcasting Corp. pati na rin ang direct-to-home satellite transmission ng Sky Cable Corp.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipauubaya ng Malacañang ang isyu ng ABS-CBN sa Kongreso.

“Respetuhin na lang natin ang kapangyarihan ng mababang kapulungan dahil sa kanila dapat magsimula ang panukalang batas na magre-renew ng franchise sa ABS-CBN,” wika ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING