Cayetano: Walang pagbabanta o pananakot tungkol sa ABS-CBN franchise renewal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Itinanggi ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong Hulyo 8 na ilang mga grupo ang “nagbabanta at nananakot” sa mga mambabatas bago pagbotohan ng mga ito ang pag-apruba o pagtanggi sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN.

Rumors of threats and intimidation coming from certain groups, even linking it with specific religious organizations, and congressional leaders are completely false and is an unproductive exercise in trying to manipulate the vote to favor a particular decision (Ang mga balita ng pagbabanta at intimidasyon mula sa ilang grupo, na iniuugnay pa sa ilang religious organizations at congressional leaders ay hindi totoo, at ito ay hindi makakapag-impluwensya sa ating mga mambabatas),” ani Cayetano.

Ito ay matapos ibalita ng news website na Politiko sa isa nitong artikulo na ilang mga mambabatas umano, kasama ang ibang religious groups, ay naglo-lobby na tanggihan ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Samantala, naglathala naman ng artikulo ang The Manila Times patungkol sa paraan ng botohan ng House of Representatives’ Committee on Legislative Franchises sa ABS-CBN franchise bill. 

Umapela naman si Cayetano sa mga kapwa mambabatas na bumoto nang naaayon sa “konsensya” tungkol sa franchise bill ng network.

Noong Mayo 5, ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang free television at radio services ng ABS-CBN bagama’t nauna nangako ang ahensya na pansamantalanag papahintulutan magbroadcast ang network kahit na tinatalakay pa ng mga mambabatas ang usapin tungkol sa franchise renewal nito.

Noong nakaraang linggo, ipinahinto rin ng NTC ang digital broadcast ng network alinsunod sa payo ni Solicitor General Jose Calida, dahil umano sa mga pag-abusong ginawa ng network.

Ang tuluyang pagpapasara ng ABS-CBN ay katumbas ng pagkawala ng hanapbuhay sa tinatayang 11,000 nitong mga empleyado.

LATEST

LATEST

TRENDING