Roque sa Covid-19 pandemic: ‘Sasayawan po natin’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makakapagtest na ng 11 milyong katao para sa Covid-19, sabay giit na nananalo na ang bansa sa paglaban nito sa pandemiya.

Ayon kay Roque, walang dapat ikatakot bagama’t patuloy ang pag-akyat ng mga kaso nang mahigit isang libo sa mga nakalipas na araw. Pumalo na sa 46,333 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa kabilang ang 12,185 recoveries at 1,303 deaths.

“Habang hindi namamatay ang tao at habang may kapasidad tayong magbigay ng medikal na lunas sa mga nagkakasakit, hindi ko po matatanggap na tayo’y hindi nananalo sa sakit na ito,” ani Roque.

Nang tanungin ang tagapagsalita ng pangulo tungkol sa mga ginagawang hakbang sa pagpapalawig ng Covid-19 testing, sinabi nitong may karagdagang 10 milyong RT-PCR tests at mahigit 250,000 na rapid test kits ang bansa. Idinagdag din niyang halos 800,000 na mga indibidwal na ang natetest.

Para naman sa mga laboratoryo, may maximum capacity daw ito na 74,304 tests bawat araw, bagama’t hindi pa naman daw naaabot ang maximum nito.

Aniya, “Talaga naman pong pinalawak na natin ang targeted testing natin to include 10 percent of our population”.

Dahil dito, malalagpasan na ng gobyerno ang nauna nitong itinakdang target na itest ang hindi bababa sa 2 porsyento ng populasyon.

Nauna ring sinabi ni testing czar Vince Dizon na posible nang matest ang mga indibidwal na hindi nagpapakita ng sintomas.

Pareho namang sinabi nina Roque at National Task Force chief implementer Carlito Galvez, Jr. na “nananalo” na ang bansa sa Covid-19 dahil “kontrolado” na umano ang sitwasyon.

Ayon kay Roque, “The cases, pwede pong dumami sila pero habang pinoprotektahan po natin ang mga vulnerable, habang lahat po tayo ay nag-o-observe ng minimum health standards, at habang pinalalakwak natin ang T3 (test, trace, treat) natin, kakayanin po nating mabuhayamidst COVID-19″.

Dagdag pa niya, “Some will say kinakailangan nating sayawan ang COVID-19 kasi sa Pilipino, when you have to live with something, ‘sayawan mo na lang.’ Pero ‘yan po ang gagawin natin – sasayawan po natin, we have to deal with Covid-19”.

LATEST

LATEST

TRENDING