Malacañang: Online SONA para kay Duterte, ligtas na opsyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Noel Celis (Agence France-Presse)

Posible umanong gawing virtual na lang ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Hulyo 27, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

May dalawang opsyon lamang umano ang pangulo para sa panghuling SONA nito ayon kay Roque: isagawa ito online o di kaya ay sa dating nakagawian na paglalahad nito sa Batasang Pambansa sa harap ng limitadong bilang ng mga mambabatas bunsod ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, kinokonsidera nilang gawing venue para sa talumpati ni Duterte ang Malago Clubhouse sa Malacañang, kung saan dito rin ipinahayag ng pangulo ang kanyang mensahe sa 36th ASEAN Summit. Ito daw ang ligtas na opsyon para sa pangulo.

Either way, it does not matter (Kung alinman, walang problema). Ang importante lang naman mag-ulat sa Kongreso and the Constitution does not require from where he will make the report (wala namang nakasaad sa Konstitusyon kung saang lugar dapat ilahad ng kanyang ulat),” ani Roque.

Sa ilalim ng Saligang Batas, inaatasan ang pangulo na ilahad ang kanyang SONA sa harap ng joint session ng Kongreso sa bawat ika-apat na Lunes ng Hulyo.

LATEST

LATEST

TRENDING