Duterte, pinasalamatan ang Gabinete sa agarang pagtugon sa mga LSIs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Avito C. Dalan (PNA)

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembero ng kanyang Gabinete para sa “agarang pagresponde” sa pagtugon at pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) sa kani-kanilang mga lalawigan.

“I’d like to thank everybody sa itong ating gobyerno — that’s really the Cabinet members working for the prompt response that you undertook to alleviate the plight of the stranded Filipinos (ang miyembro ng Gabinete na agarang tinugunan ang problema ng mga Pilipinong stranded). And nakakaawa talaga and it took you just about two days to solve the problem (nagtagal lamang ng dalawang araw bago malutas ang problema),” ani Duterte.

Espesyal namang pinasalamatan ng pangulo si Transport Secretary Arthur Tugade para sa naging “mabilis na aksyon” nito sa pagbibigay ng transportasyon sa mga LSIs.

Aniya, “Alam mo, iyan lang ang maibigay natin sa tao, iyong hindi masyado mahirapan ang mamamayan”. 

Naunang tiniyak ni Tugade na aalagaan niya at bibigyan ng sapat na pagkain ang mga pasaherong stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay matapos ipag-utos ni Duterte sa kalihim na maglagay ng mga karagdagang mga upuan para sa mga naghihintay ng flights lalo na sa mga bata at buntis.

Ayon kay Duterte, nababagabag siya buong gabi sa kakaisip sa mga pasaherong nakatayo habang naghihintay ng kani-kanilang mga flights sa paliparan.

Ayon naman kay Interior Secretary Eduardo Año, mahigit 4,000 LSIs na ang natulungan ng “Hatid Tulong” program ng pamahalaan. Binanggit din ng kalihim na mahigit 5,000 LSIs na ang natulungang makauwi sa pamamagitan ng eroplano o barko.

Samantala, nasa 1,400 LSIs na lamang aniya ang patuloy na inaabutan ng pagkain at iba pang tulong habang nananatiling stranded sa Kalakhang Maynila.

Binigyang diin ni Año na walang nang LSIs ang natutulog sa lansangan dahil pansamantala na silang pinatutuloy sa Villamor Air Base Elementary School, Philippine Army Wellness Center, at iba pang mga lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING