Duterte: Huwag matakot sa Anti-terror law kung hindi terorista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na walang dapat ipangamba sa bagong kapapasang Anti-Terrorism Act of 2020 kung hindi naman sila terorista aniya.

Iginiit ni Duterte na walang dapat ikatakot ang mga mamamayang sumusunod naman sa batas.

For the law-abiding citizen of this country, I am addressing you with all sincerity (Para sa mga sumusunod sa batas dito sa bansa, sinasabihan ko kayo nang may sinseridad). Huwag ho kayong matakot kung hindi ka terorista. Kung hindi ka naman sisirain mo ang gobyerno, pasabugin mo ang simbahan, pasabugin mo ‘yung public utilities, pasabugin mo ‘yung, just to derail, matumba na tuloy ang bayan,” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Kung wala mangyari na masama, wala namang problema. Pero once you blow up simbahan, blow up mo ‘yung marketplace. The right to defend itself accrues to the government heavily (Ang karapatang magdepensa ay responsibilidad ng pamahalaan)”.

Idiniin ni Duterte na may tungkulin ang estado na labanan ang mga terorista, lalo na ang mga taong walang habas kung pumatay.

Aniya, “If you do that to the people, if you kill them wantonly, then I would take it as a right to kill you (Kung gagawin niyo ito sa tao, ang pumatay nang walang alinlangan, nangangahulugan itong tungkulin ko rin ang patayin kayo),” Duterte said.

Noong Hulyo 3, nilagdaan ni Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 kung saan layunin nitong paigtingin ang kampanya kontra terorismo bagama’t umani ito ng kaliwa’t-kanang pambabatikos dahil maaari aniya itong gamitin bilang sandata laban sa mga kritiko ng gobyerno.

Naghain naman ng petisyon ang ilang mga abogado sa Korte Suprema upang kwestyunin ang konstitusyonalidad nito, isang araw matapos pirmahan ni Duterte ang kontrobersyal na batas.

Sa parehong araw ng pagsasabatas sa Anti-terror law, nagbigay ng talumpati si Duterte sa harap ng mga sundalo sa Zamboanga City upang ibsan ang tensyon sa pagitan ng pulis at militar.

Noong Hunyo 29, binaril ng mga pulis ang apat na Army intelligence officer at sinabing “misencounter” umano ang naganap. Subalit, pinabulaanan ito ng militar at sinabing “murder” at “rubout” ang naganap.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang insidente.

LATEST

LATEST

TRENDING