DOH: Pagiging airborne ng coronavirus, walang sapat na basehan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Miggy Hilario (AFP Photo)

Wala umanong sapat na batayan ang naging pahayag ng mahigit 200 na mga siyentipiko na nagsabing airborne na o nasa hangin ang coronavirus, ayon sa Department of Health (DOH) noong Hulyo 7.

Ang pahayag ng mga siyentipiko ay taliwas sa matagal nang tindig ng World Health Organization (WHO) na maaari lamang mailipat ang SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng Covid-19, sa pamamagitan ng maliliit na droplets na inilalabas ng isang taong may sakit sa tuwing sa ay uubo o babahing.

Subalit, iginiit ng 239 na mga siyentipiko na posibleng mahawa ang isang tao sa pamamagitan ng pagkalanghap ng coronavirus na nasa hangin.

Dumulog ang mga ito sa United Nations Health Agency para umapela sa ahensya na kilalanin ang kanilang posisyon na maaari aniyang lumaganap ang virus habang nasa ere – isang pagbabagong nangangahulugan ng mga panibagong alituntunin sa pagresponde sa pandemiya.

Gayunpaman, idiniin ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang sapat na basehan ang usapin tungkol sa pagiging airborne ng coronavirus.

We are studying all of these articles that are coming out every day and still, there are not enough evidence at this moment to specifically say it is airborne (Pinag-aaralan namin ang lahat ng artikulo na lumalabas. Gayunpaman, walang sapat na basehan para sabihing airborne ang coronavirus),” ani Vergeire.

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols para makaiwas sa Covid-19.

Aniya, “There are lots of ways in which a person can be infected. Sometimes even though you wear your mask, you wash your hands, there might be times that you might miss out on being cautious and you will be able to get this (Maraming paraan kung paano mahahawa sa Covid-19. Minsan, kahit sa pagsusuot ng mask o paghuhugas ng kamay, posibleng makaligtaan natin ang pag-iingat kaya maaari pa rin tayong mahawa)”.

Ayon kay Vergeire, kasalukuyang kumakalap ang kagawaran ng karagdagang ebidensya sa inilathalang pag-aaral sa isang journal kung saan mas mabilis umano ang paglaganap ng mutation ng coranavirus.

LATEST

LATEST