Cebu Pacific, naglunsad ng P99 seat sale para sa 2021 trips

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inanunsyo ng Cebu Pacific noong Hulyo 7 na naglunsad ito ng P99 one-way base fare seat sale para sa mga domestic flights para maghanda sa mga pagbiyahe sa 2021.

Ang mga promo fares ay available mula Hulyo 7 hanggang 13, para sa travel period na Abril 1 hanggang Hunyo 30, 2021, batay sa inilabas na advisory ng airline. Naka-sale din umano ang piling international base fares.

Ayon sa airline, kabilang sa domestic one way base fare ang 7 kg hand carry baggage allowance, exclusive ng web admin fee, 12 porsyentong VAT, terminal fee at fuel surcharge.

Mayroon namang libreng flexible rebooking ang mga promo fares kung saan maaaring makapag-rebook nang dalawang beses nang libre.

Unti-unting ibinalik ang domestic flights noong Hunyo matapos paluwagin ang quarantine protocols sa Metro Manila at iba pang mga lugar pagkatapos ng ilang linggong lockdown.

LATEST

LATEST