Ban sa international travel, inalis na; tourism-related travel, bawal pa rin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Bagama’t ipinagbabawal pa rin ang tourism-related travel, papayagan na ang paglabas ng mga Pilipino sa bansa para sa non-essential travel, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Hulyo 7.

Sinabi ni Roque, na siya ring tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), na pinayagan na raw ito ng task force. Magiging epektibo ang IATF Resolution No. 52, 15 na araw matapos itong ilathala sa Official Gazette.

“Lahat ng travel restrictions na may kinalaman sa outbound travel ng mga Pilipino ay inalis na rin. Bawal pa rin ang turismo pero ang mangyayari po ay pag bibiyahe may requirements na dapat ipakita sa Bureau of Immigration,” ani Roque.

Kailangang ipresenta ng mga babiyahe ang kani-kanilang mga kumpirmadong round-trip tickets at deklarasyong pagkilala sa bantang kakaharapin sa pagbiyahe habang nasa kasagsagan ng pandemiya.

Ayon kay Roque, dapat mayroon din silang sapat na travel health insurance para matustusan ang posibleng rebooking at extended accommodation expenses. Kinakailangan ding walang ban para sa mga Pilipino sa destinasyong bansa.

Samantala, ang mga papasok naman sa bansa sa kailangang sumailalim pa rin sa swab testing at mandatoryong quarantine pagdating ng Pilipinas.

Sa kabila ng pag-akyat sa bilang ng mga kaso ng Covid-19, pinaluwag ng pamahalaan ang paghihigpit sa pagbiyahe alinsunod sa hakbang na muling buksan ang ekonomiya.

LATEST

LATEST

TRENDING