UP Expert: Covid-19 cases, maaaring umabot ng 100k sa dulo ng Agosto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters) 

Posible umanong pumalo sa 100,000 ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa sa pagtatapos ng Agosto, babala ng isang eksperto mula University of the Philippines (UP) noong Hulyo 6.

Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na pag-akyat sa bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa isang araw noong Hulyo 5, sa 2,434 cases, ayon sa Department of Health (DOH).

Samantala, umaakyat aniya nang hindi bababa sa 1,000 ang mga kaso sa bawat araw at naging coronavirus hotpots din ang ilang mga lugar na dating walang kaso ng Covid-19 sa pagpapaluwag ng lockdown, ayon kay mathematics professor Dr. Guido David, miyembro ng UP OCTA Research group.

“Sa nakita ko, iyong trend niya mas mataas pa, hihigit pa sa 100,000 kung hindi natin baguhin iyong ating sistema, ating pag-handle ng pandemya,” ani David.

Dagdag pa niya, dapat higpitan umano ng mga awtoridad ang border controls; paigtingin ang Covid-19 screening; at ipasok sa mga isolation facilities ang mga nagpositibo sa nakamamatay na sakit sa halip na i-home quarantine.

Nararapat din umanong tugunan ang transportasyon ng mga manggagawa, matapos magpositibo sa nakamamatay na sakit ang ilang MRT personnel.

Pinaalalahanan din ng propesor ang publiko na panatilihin ang pagsusuot ng face masks, pagsunod sa physical distancing, at pagmintena ng hygiene.

LATEST

LATEST

TRENDING