Roque: Duterte, walang sakit; naging ’emosyonal’ lang sa patayan sa Sulu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Robinson Niñal, Jr. (Presidential Photo)

Ang pagiging “emosyonal” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamatay ng apat na sundalo sa kamay ng mga pulis sa Jolo, Sulu ang itinuturong dahilan ng Malacañang kung bakit tila mukhang may sakit ito.

Nang humaharap si Duterte sa mga sundalo sa Zamboanga City noong Hulyo 3, tila nanghihina ito at may iniindang karamdaman. Subalit, itinanggi ito ng Palasyo at sinabing walang iniindang sakit ang pangulo.

That’s not health related. It’s more of an emotional issue (Wala itong kinalaman sa kalusugan. Isa itong isyu ng emosyon),” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa kalagayan ni Duterte.

Ayon kay Roque, labis ang kalungkutang idinulot ng insidente sa pangulo.

“Doon ko lang po talaga nakita na napakalungkot ng ating Presidente. Para siyang ama na namatayan ng mga anak dahil nag-away-aaway,” ani Roque.

Dagdag pa niya, “Talagang emotional po siya (Duterte). At some point, nagka-crack ‘yung kaniyang voice at doon ko lang po nakita talagang he took it very personal, itong nangyari po sa Jolo”.

Gayunpaman, umapela ang pangulo sa militar na manatiling kalmado habang wala pang resulta ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa pamamaril.

Tiniyak din nito sa mga sundalo na patas ang magiging imbestigasyon tungkol sa nangyaring insidente.

LATEST

LATEST