LSIs na lulan ng mga sasakyang kolorum, rason aniya sa pagtaas ng Covid-19 cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: rmn.ph

Ang kawalan ng pangangasiwa sa transportasyon ng mga stranded na Pilipino pabalik sa kani-kanilang mga lalawigan ang nagdulot umano ng pagtaas sa bilang ng mga Covid-19 cases sa iba’t-bang panig ng bansa, ayon sa isang opisyal.

Ayon kay Joseph Encabo, tagapagpatupad ng “Hatid Tulong” program, ilan sa mga stranded na Pilipino ay sumasakay sa mga sasakyang kolorum na hindi nakikipag-ugnayan sa pamahalaang nasyonal gayundin sa lokal na pamahalaan ng uuwiang lokalidad.

“Dapat po matigil na po yan kasi naniniwala po ako na ang mga colorum activities na yan ay ang main na rason or dahilan kung bakit tumataas ang COVID cases sa isang lugar,” ani Encabo.

Binanggit din ni Encabo na ilan sa mga stranded na ito ay may expired na travel authority, lumang rapid antibody test results, at ilan din ay hindi sumailalim sa Covid-19 test. Ilan sa kanila ay lulan umano ng mga van.

Aniya, “Kailangan po namin ang mahigpit na monitoring ng PNP (Philippine National Police), lalo na ang colorum transportation ng mga LSIs (locally stranded individuals) ay hindi nag-undergo ng rapid test at hindi dumaan sa tamang proseso”.

Samantala, nangamba naman ang ilang lokal na opisyal sa pagdagsa ng mga LSIs sa kani-kanilang mga lokalidad dahil maaari umanong may Covid-19 ang mga ito.

Subalit, iginiit ni Encabo sa mga local government units na makikipag-ugnayan muna ang “Hatid Tulong” program sa mga tatanggap na lalawigan bago pahintulutan ang transportasyon ng mga LSIs.

“We inform the LGUs na ganito karami ang papasok, ito ang mga resulta, at lahat ay may sapat na dokumento,” paliwanag ni Encabo.

Ayon sa Malacañang, nasa 62,762 LSIs na ang natulungang makauwi batay sa datos noong Hulyo 2.

Nasa 13,000 naman ang nag-aantay na makabiyahe, wika ni Encabo.

LATEST

LATEST

TRENDING