Positibo ang pananaw ng Malacañang na magdudulot ng magandang resulta ang isang government-funded na pag-aaral tungkol sa paggamit ng convalescent blood plasma bilang lunas sa against Covid-19.
Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos inanunsyo ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña ang pag-uumpisa ng naturang pag-aaral.
“We hope this study will yield positive results and be our country’s contribution to the global effort to develop COVID-19 treatment (Umaasa kaming magkakaroon ng positibong resulta itong pag-aaral upang magsilbing kontribusyon ng bansa sa pandaigdigang laban kontra Covid-19),” ani Roque.
Ayon kay Roque, ang paggamit umano ng convalescent plasma bilang adjunctive therapy para sa mga pasyente ng Covid-19 ay pinangungunahan ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) kabilang ang suportang pinansyal mula sa DOST.
Ang nasabing pag-aaral ay nakatuon sa paggamit ng convalescent plasma na kinuha mula sa dugo ng mga gumaling na Covid-19 patients, kaya mayroon na silang neutralizing antibodies laban sa coronavirus.
Noong Abril, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Covid-19 survivors na i-donate ang kanilang dugo o plasma upang magsilbing gamot laban sa nakamamatay na sakit at upang magamit din ng UP-PGH bilang experimental treatment para sa mga pasyenteng may malulubhang sintomas ng Covid-19.
“Mag mabuting-loob kayo. And I think kung ako, I should volunteer. That is the way of thanking God that you have survived (Ito ang paraan ko para pasalamatan ang Diyos dahil nakaligtas ako),” ani Duterte.
Dagdag pa niya, “Magpakuha kayo kasi ‘yun ang dugo ninyo – ‘yung plasma ninyo ‘yun ang i-inject doon sa mga tinamaan. So ‘yung katawan mo makukuha niya ‘yon – ‘yung dugo na kapatid mo na Pilipino, makukuha niya ‘yan”.
Ayon naman kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, tinitignan ng hematology at pathology divisions ng ospital ang convalescent plasma therapy bilang gamot sa coranvairus dahil wala pang kilalang lunas sa Covid-19.
Tanging mga gumaling na pasyente lamang aniya ang tatanggapin nila bilang donor. Kinakailangang magnegatibo muna sila sa Covid-19 test nang dalawang linggo bago maging donor.