Malacañang, tatanggapin ang kapasyahan ng SC sa Anti-terror law

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Iginiit ng Malacañang na tatanggapin nito ang pagpapasya ng Korte Suprema sa petisyong inihain para kwestyunin ang konstitusyonalidad ng bagong Anti-Terrorism Act of 2020.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos maghain ng petisyon ang isang grupo ng mga abogado sa Korte Suprema na naglalayong ibasura ng Anti-Terrorism Law.

The Palace will leave it to the SC to decide on these petitions and will abide by whatever the ruling is (Ipinauubaya ng Palasyo sa SC ang pagpapasya sa mga inihaing petisyon at susunod kami sa kung anuman ang magiging desisyon nito),” ani Roque.

Nauna namang sinabi ni Roque na nasa parehong antas ang bagong ipinasang Anti-Terrorism Law ng Pilipinas sa mga batas kontra terorismo ng ibang mauunlad na bansa. Ipinaliwanag nitong ang mga bansang Estados Unidos at United Kingdom aniya ay may mas mahihigpit na batas kumpara sa Pilipinas.

Noong Hulyo 4, isang grupo ng mga abogado ang nagsumite online ng petition for Certiorari and Prohibition with Urgent Prayer for the Issuance of a Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Injunction and/or Other Injunctive Remedies para kwestyunin ang anti-terrorism law.

Nagtungo naman ang grupo sa  pangunguna ni Atty. Howard Calleja, sa Korte Suprema noong Hulyo 6 upang pisikal na isumite ang kanilang petisyon.

Kabilang sa listahan ng mga petitioners ay ang abogadong si Joseph Peter Calleja, law professor Christopher John Lao, Reynaldo J. Echavez, Napoleon Siongco, Raeyan Reposar, civic groups Tunay na Bayani at Bagong Siklab Pilipinas, at si dating Education Secretary Bro. Armin Luistro.

Samantala, ipinagpaliban muna ng National Union of Peoples Lawyers ang paghain ng petisyon para sa pagbabasura ng Anti-Terrorism Act habang patuloy itong kumakalap ng mga interesadong petitioners.

Ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 o Republic Act (RA) 11479, ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 3. Sa ilalim ng batas, makukulong ng 12 na taon ang sinumang mapapatunayang magsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa terorismo.

LATEST

LATEST

TRENDING