Kapalaran ng ABS-CBN franchise, posibleng malaman sa susunod na linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inaasahang malalaman na sa susunod na linggo ang kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN matapos ang ginawang pagdinig ng mga mambabatas ukol dito.

Itinakda aniya ng House Committee on Legislative Franchises, na nagsasagawa ng pagdinig kasama ang Committee on Good Government, ang huling araw ng pagdinig sa Lunes, Hulyo 6, bago pagbotohan kung aaprubahan ba ang pagbibigay ng legislative franchise sa ABS-CBN.

Plano umanong resolbahin na ng liderato ng Mababang Kapulungan ang usapin tungkol sa prangkisa ng network bago ang pinlanong special session ng Kongreso isa o dalawang linggo bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagamat nagsagawa ng joint hearings sa ABS-CBN isyu, hiwalay namang pagbobotohan ng dalawang House panels ang mga tinalakay na isyu para o laban sa network.

LATEST

LATEST

TRENDING