DOH, hindi pa tiyak kung magpapatuloy ang pagtaas ng Covid-19 cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Inamin ng Department of Health (DOH) noong Hulyo 6 na hindi pa ito nakasisiguro kung magpapatuloy ang pag-akyat sa bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa matapos maitala ang pinakamataas na pagtaas ng mga kaso sa isang araw noong Hulyo 5.

Umabot sa 2,434 na mga bagong kaso ang naitala noong Hulyo 5 para sa kabuuang 44,254 Covid-19 cases sa buong bansa.

“Amin pong pinag-aaralan ngayon itong mga numerong ito — kung saan po galing, kung gaano po ang trend natin for this past week,” giit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 

Dagdag pa niya, “Hindi pa po natin masabi kung tuloy ngang pataas nang pataas. Ang masasabi lang natin meron tayong mga nakikitang pagtaas ng mga kaso for these past days”.

Ayon kay Vergeire, nananatili sa 7.7 days ang case doubling rate ng Covid-19 sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING