Ilang senador at AFP, pinuri si Duterte sa pagsasabatas ng Anti-terror law

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photo Source: UNTV

Pinuri ng ilang mga senador at ng Armed Forces of the Philippines ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terrorism Bill noong Hulyo 3 upang tuluyan itong maging ganap na batas.

Nangako naman ang mga kritiko na kukwestyunin nila ang ligalidad ng batas dahil labag umano ito sa karapatang pantao.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, tiyak na poprotektahan ng bagong batas ang mga tao sa mga “ruthless ideologies (mararahas na ideolohiya)” at “stop unrepentant agitators from sowing mayhem and disorder (pipigilan ang mga walang pinagsisisihan na maghasik ng gulo).”

Sinabi naman ni Senador Francis Tolentino na naaayon sa panahon at makasaysayan ang pagsasabatas sa Anti-terror law.

It just goes to show that a stable peace and order climate should go hand with economic rejuvenation post COVID-19. We should all support this measure (Ipinapakita nito na katuwang ang pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan sa pagbangon ng ekonomiya mula sa Covid-19 pandemic. Suportado naming lahat ang palisiya),” ani Tolentino.

Samanatala, ayon naman sa Armed Forces of the Philippines, palalakasin aniya ng bagong batas ang paglaban ng estado para sugpuin ang mga nagdudulot ng pahirap sa mga Pilipino.

We now have a powerful statute that provides law enforcement agencies the legal wherewithal to protect and defend our people (Mayroon na tayong makapangyarihang batas para sa pagtatanggol at pagprotekta sa mga tao),” wika ni Armed Forces Spokesperson Maj. Gen. Edgar Arevalo.

Para naman kay Senador Panfilo Lacson, isa sa kilalang tagasuporta ng batas, mahalaga ang ginawang pagpapasya ng pangulo kahit na marami ang tutol dito.

With all the pressure coming from different directions against the signing of the Anti-Terrorism Bill into law, at the end of the day, it is his strong political will that mattered most. I cannot imagine this measure being signed under another administration (Bagama’t may kaliwa’t-kanang presyur laban sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill, sa huli, nanaig pa rin ang determinasyon ng pangulo. Hindi ko maisip na pipirmahan ito sa ibang administrasyon),” paliwanag ni Lacson.

Gayunpaman, ilang miyembro ng oposisyon sa Senado ang hindi natuwa sa hakbang ni Duterte.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, dapat mas binibigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa Covid-19 pandemic sa halip na pagsasabatas ng Anti-terror Law ang pagtuunan ng pansin.

While the country’s COVID-19 cases have gone past 40,000 and while 7.3 million Filipinos have lost their jobs and livelihood, Malacanang has instead signed the Anti-Terrorism Law that it will use to trample on Filipinos’ basic rights and freedoms (Habang pumalo na sa 40,000 ang bilang ng mga kaso at 7.3 milyong Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay, mas pinili pa rin ng Malacañang ang pagsasabatas sa Anti-Terrorism Law na aabusuhin lamang ang karapatang pantao at kalayaan ng mga Pilipino),” giit ni Hontiveros.

Hindi naman ikinagulat ni Senador Francis Pangilinan ang ginawang pagpirma ni Duterte subalit idiniin nitong hindi nito malulutas ang kahirapan at mga suliranin sa sektor ng kalusugan sa bansa.

Tinuligsa rin ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ang pagsasabatas sa Anti-Terror Law.

Sa isang panayam kay Ateneo de Manila University School of Government Dean Ronald Mendoza, iginiit niyang magandang panlaban sa terorismo ang bagong batas kung mapapagkatiwalaan at mapapanagot ang mga awtoridad sa paggamit ng kanilang kapangyarihan para sugpuin ang mga pagbabanta sa seguridad ng lipunan.

“I think the debate right now is that many people are concerned that the very institutions that will be tasked to implement the law are also those with right now a little bit of a history of human rights abuses, governance failures, links to extra-judicial killings and so on and so forth (Ang debate sa ngayon ay maraming nangangamba na aabusuhin ito ng mga institusyong magpapatupad ng batas sapagkat may kasaysayan tayo ng pag-abuso sa karapatang pantao, kapalpakan sa pamamahala, extra-judicial killings, at iba pa),” ani Mendoza.

LATEST

LATEST

TRENDING