Ilang abogado, kinuwestyon ang Anti-terror law sa Korte Suprema

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Isang grupo ng mga abogado ang naghain ng petisyon sa Korte Supreme upang kwestyunin ang konstitusyonalidad ng bagong Anti-terrorism law.

Hiniling ng petisyon ang paghahain ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction kabilang na ang iba pang “injunctive remedies” laban sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Ang mga nagreklamo na pinangunahan ni Ateneo at La Salle law professor Atty. Howard M. Calleja ay nagnanais na ibasura ang Seksyon 3, 4, 5, 9, 10, 16, 17, 25, 26, 29 at 54 ng batas dahil “paulit-ulit at delikado” aniya ang mga ito sa mga karapatan ng mamayan na nakasaad sa Saligang Batas, kabilang na ang karapatan sa malayang pagpapahayag.

Halimbawa, ang Seksyon 3 at 16 na nagpapahintulot sa pag-wiretap ng mga suspek, ay salungat sa karapatan ng isang indibidwal sa privacy at correspondence.

Samantala, sa Seksyon 4 at 5 naman, malabo aniya ang mga aktibidad na puwedeng ikonsidera bilang terorismo na maaaring mauwi sa iba’-t-ibang interpretasyon at magdulot ng “selective” enforcement.

Pareho rin ang implikasyon umano para sa Seksyon 9 hinggil sa “inciting to commit terrorism,” kung saan maaaring makulong ng 12 taon ang sinumang lalabag.

Ang seksyon 10, 25, at 26 naman tungkol sa recruitment at membership sa organisasyong terorista ay labag umano sa kalayaang sumapi sa mga organisasyon na naaayon sa batas.

Ang seksyon 29 naman na nagpapahintulot sa pag-aresto ng mga suspek nang walang warrant at i-detain ng aabot sa 24 araw ay labag sa karapatang pantao laban sa iligal na pag-aresto.

Ang iba pang kabilang sa grupo ay sina Atty. Joseph Peter J. Calleja, UP Law Professor Christopher John P. Lao, Dr. Reynaldo J. Echavez, Napoleon L. Siongco, Raeyan M. Reposar, civic groups Frontliners: Tunay na Bayani at Bagong Siklab Pilipinas, pati na rin si Br. Armin A. Luistro, FSC, ng De La Salle Brothers, Inc.

LATEST

LATEST

TRENDING