Duterte sa AFP: Manatiling kalmado sa imbestigasyon ng Jolo ‘misencounter’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Umapela sa militar si Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling kalmado at huwag maghiganti laban sa mga pulis hinggil sa nangyaring pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu kamakailan.

Tiniyak ng pangulo na makakamit din ang hustisya para sa mga biktima.

Sinabi rin ni Duterte na inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na bilisan ang imbestigasyon tungkol sa umano’y “misencounter” sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang mga nasawing sundalo ay sina Maj. Marvin Indammog, 39; Capt. Irwin Managuelod, 33; Sgt. Jaime Velasco, 38; at Cpl. Abdal Asula, 33. Sila ay nakabuntot sa mga pinaghihinalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf nang sila ay pagbabarilin ng mga pulis.

Inamin naman ni Duterte na nagdulot ang insidente ng tensyon sa pagitan ng AFP at PNP.

Gayunpaman, sinabihan niya ang militar ha huwag maghiganti sa mga pulis sapagkat may mga mas importante pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin at ito ay ang protektahan ang mga mamamayan.

Pinaalalahanan din ng pangulo ang pulis at militar na antayin na lang muna ang resulta ng imbestigasyon ng NBI na isasapubliko para maunawaan ng lahat ang nangyari.

Ayon sa pangulo, hindi na maibabalik ang buhay ng mga nasawi kung papatay ang mga sundalo ng mga pulis.

LATEST

LATEST

TRENDING