DOH, magpapatupad ng bagong sistema sa pag-uulat ng Covid-19 cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Ipinahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Hulyo 4 na gagamit ang ahensya ng mas simpleng sistema ng pag-uulat sa Covid-19 cases para maiwasan ang kalituhan tungkol sa mga datos ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Vergerie, gagamitin ng ahensya ang terminong “additional cases” sa halip na paghiwalayin ang mga kaso sa “fresh” at late” cases.

Ang bagong sistemang ito ay uumpisahang gamitin aniya sa susunod na linggo.

“Mayroon ho kaming binuo, bagong means of reporting kung saan hindi na ho natin ipapakita ang late at fresh cases. Ang ipapakita na lang ho natin (ay) ’yung additional na mga kaso na pumapasok, ani Vergeire.

Dagdag pa niya, “Para rin ho makita na rin ho ng ating mga kababayan kung ano talaga ’yung mga pumapasok na bago…sa bawat araw.”

Ginamit ng DOH ang “fresh” at “late” cases na paraan ng pag-uulat noong Mayo 29. Ang “fresh” cases ay para sa mga resultang lumabas nang tatlong araw matapos ang testing, habang ang “late” cases naman ay para sa mga resultang inilabas nang mahigit apat na araw mula noong matest.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagtaas sa bilang ng mga kaso sa Covid-19 at umabot na sa 40,000 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa nakamamatay na sakit sa bansa.

LATEST

LATEST