Malacañang: Pamamalakad ni Duterte sa nakalipas na apat na taon, mahusay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr.

Bagama’t kaliwa’t-kanan ang naging pambabatikos sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging mahusay naman umano ang pamamalakad nito sa nakalipas na apat na taon, ayon sa Malacañang kasabay ang pagpahayag ng pananaw na makakabangong muli ang bansa sa pandemiya dahil sa matatag na pundasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., isa ang Pilipinas sa mga may pinakamagandang ekonomiya sa buong mundo bago pa man pumutok ang pandemiya.  Ito ay dahil umano sa  6.5 percent average na economic growth ng bansa, kasama na rin ang mababang inflation at interest rates, at ang pag-angat din ng credit rating.

So it was actually a great performance as far as the economy is concerned; as far as approval of the President is concerned, it did not go below 80 percent. So the people approve of the things being done by the President, including the campaign against illegal drugs (Sa katunayan, maganda ang naging takbo ng ekonomiya; hindi ito bumbaba ng 80 porsyento ayon sa pangulo. Inaaprubahan ng mga tao ang ginawa ng pangulo kabilang na ang kampanya kontra droga),” ani Roque.

Dagdag pa niya, “It’s been a great four years. We faced trials but because we have very sound fundamentals, we will recover from Covid-19 (Naging maganda ang nakalipas na apat na taon. Naharap tayo sa mga hamon, subalit, dahil mayroon tayong mga matatag na pundasyon, mababangon tayo mula sa Covid-19)”.

Tinuligsa ng mga human rights groups ang ilang palisiya ni Duterte kabilang na ang kanyang kampanya kontra droga na ikinamatay ng mahigit 6,000 na mga suspek. Ayon sa mga grupo, ang pananalita ng pangulo ay nakapaghikayat umano sa paglaganap ng mga extrajudicial killings at iba pang mga pag-abuso.

Pinabulaanan naman ito ng ilang opisyal at sinabing hindi pabor ang pangulo sa mga iligal na gawain. Idiniin din nilang nanlaban sa awtoridad ang mga napatay na drug suspek.

Binanatan din ng mga kritiko ang administrastyon sa pagiging “militaristic” ng estratehiya nito sa paglaban sa Covid-19.

Subalit, hindi ito sinang-ayunan ng Malacañng at sinabing nakabatay sa agham at ekonomiya ang mga ipinatutupad nitong hakbang kontra Covid-19.

Iginiit ni Roque na naging epektibo aniya ang pagpapatupad ng gobyerno ng lockdown upang pigilan ang lalong paglaganap ng coranavirus sa bansa.

Wika ni Roque, “Based on surveys, our countrymen agree with the actions of the President and I will bring you back to the truth that based on the UP (University of the Philippines) study, if we did not impose a lockdown, we would have as much as three million COVID-19 cases (Batay sa mga survey, sang-ayon ang ating mga kababayan sa mga aksyon ng Pangulo at gusto kong ibalik ang naging resulta ng pag-aaral ng UP na kung hindi tayo nagpatupad ng lockdown, posibleng umabot na sa tatlong milyon ang bilang ng mga Covid-19 cases sa bansa)”.

LATEST

LATEST

TRENDING