Duterte sa militar: Manatiling kalmado sa imbestigasyon ng Jolo ‘misencounter’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo noong Hulyo 3 na maging kalmado habang isinasagawa ang imbestigasyin tungkol sa pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Pinaalalahanan ni Duterte ang mga sundalo na ibaling ang kanilang atensyon sa pagpuntirya ng mga bandido at rebelde sa halip na mga pulis.

I am pleading for your understanding (Humhingi ako ng pag-unawa) at saka pakalmahin mo ang mga tropa,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Zamboanga City.

Dagdag pa niya, “Explain to them their role in this society, that the real enemy (Ipaliwanag mo sa kanila na ang layunin nila sa lipunan, ang tunay na kaaway), itong mga [New People’s Army] pati itong mga Abu Sayyaf.”

Ipinag-utos na niya aniya sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pangyayari upang “mahanap ang katotohanan”.

Iginiit din ng pangulo sa mga sundalo na mahalaga ang papel ng pulis at walang magandang idudulot ang paghihiganti.

Aniya, “Ang gusto mo magpatay ng pulis diyan? What good will it do (Anong magandang idudulot niyo)?”

Noong Hunyo 29, pinagbabaril ng mga pulis sa Jolo, Sulu ang apat na Army intelligence personnel.

Ayon sa mga pulis, shootout ang nangyari sa halip na self-defense.

Subalit, idinidiin ng mga sundalo na hindi nagpaputok ang mga nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING