Bong Go, nanawagan para sa pagtatayo ng mga quarantine facilities

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Bong Go

Muling nanawagan si Senador Bong Go sa pagtatayo ng mga quarantine facilities sa bawat rehiyon ng bansa habang hinikayat naman nito ang mga kapwa mambabatas na suportahan ang Senate Bill No. 1529 o ang “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020” na inihain niya noong Mayo 13.

The proposed measure aims to address this need and establish quarantine facilities all throughout the country (Matutugunan ng panukala ang pangangailangang magtatag ng mga quarantine facilities sa buong kapuluan),” ani Go na siyang chairman ng Senate committee on health.

Dagdag pa niya, “By isolating infected people in proper quarantine facilities, we will help prevent the further spread of any infectious disease (Sa pag-isolate ng mga infected na pasyente sa mga quarantine facilities, makatutulong tayo sa pagpigil sa paglanagap ng kahit anong nakahahawang sakit).”

Ang bill ay magdidirekta sa Department of Health (DOH) na tukuyin ang mga lokasyon ng quarantine facilities habang nakikipagkoordinasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga local government units (LGUs). Ang DOH ang mamamahala sa mga pasilidad na paglalagyan ng mga magagaling na medical staff.

Ayon sa World Health Organization (WHO),  ang pag-quarantine sa mga tao ay ang paghihigpit sa mga aktibidad ng nito o paghihiwalay nito mula sa mga walang sakit bagama’t na-expose sa taong may nakahahawang sakit, upang masubaybayan ang kanilang sintomas. Ang maagang pagpapatupad ng quarantine ay susi upang hindi maging epidemic ang isang outbreak.

Nauna naman inirekemonda rin ni Go ang karagdagang mga hakbang para mapaigting ang pagresponde ng bansa sa pandemiya. Inihain nito ang SB 1226 o ang DOH Hospital Bed Capacity and Service Capability Rationalization Act, na naglalayong magtatag ng mas mabilis at sistematikong proseso sa pagtataas ng bed capacity at pagpapabuti sa serbisyo ng mga ospital.

Sa kasalukuyan, karamihan ng mga pampublikong ospital ay nagkukulang sa sapat na imprastraktura, sapat na staff, maintenance, at operating resouces na nagdudulot sa mas matagal na waiting time at paggamot sa mga pasyente.

LATEST

LATEST

TRENDING