WHO: Pilipinas, matindi ang kakaharapin sa mga susunod ng linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Latin America News Agency / Reuters

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) noong Hulyo 1 na matindi at mahalaga ang mga susunod na mga linggo para sa bansa matapos nitong mapag-alaman ang pag-akyat sa bilang ng mga Covid-19 cases at hospital occupancy kasabay nang pagpapaluwag sa quarantine protocols sa halos lahat ng panig ng bansa.

Ayon kay Dr. Takeshi Kasai, WHO regional director for the Western Pacific, bagama’t kinikilala nila ang patuloy na pagresponde ng pamahalaan sa Covid-19 krisis sa Pilipinas, makikita pa rin ang pag-akyat ng mga kaso batay sa datos.

In fact, the Philippines is one of the earliest countries to introduce a lockdown (Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa mga naunang bansa na naglunsad ng lockdown),” ani Kasai habang idiniin na nakatulong ang pagpapatupad ng lockdown upang mapigilan ang lalo pang paglaganap ng coronavirus sa bansa.

Hindi naman sinang-ayunan ng pamahalaan ang inilabas na ulat ng WHO kamakailan na inilarawan ang Pilipinas bilang bansa na may pinakamabilis na pagtaas ng Covid-19 cases sa Western Pacific Region.

Hindi naman sinagot ni Kasai nang direkta kung ang estado ng Pilipinas kumpara sa iba pang mga bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING