Medical schools, pinayagang tumanggap ng estudyante kahit walang NMAT results

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinahintulutan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga medical schools na tumanggap ng mga estudyante kahit hindi pa kumukuha ng National Medical Admission Test (NMAT) matapos itong i-postpone.

Ayon sa CHED, nakabatay pa rin ito sa requirements na ipapatupad ng mga paaralan at ang palisiya ay para lamang sa Academic Year 2020-2021 dahil hindi naisakatuparan ng Center for Educational Measurement (CEM) ang NMAT noong Marso dahil sa paglaganap ng Covid-19 pandemic.

Sa kasalukuyan, may 56 higher education institutions (HEIs) sa bansa na awtorisadong magturo ng doctor of medicine program.

Ayon kay CHED Comissioner Prospero De Vera III, ang kapasyahan ng ahensya ay bunsod sa pangamba ng ilang mga magulang at estudyante kung paano sila makalalahok sa medical program kahit walang NMAT.

Ayon sa datos ng CEM, tinatayang nasa 9,000 ang nagparehistrong aplikante para sa NMAT.

Sa pagbubukas ng mga HEIs ng klase sa Agosto, ang kapasyahan ng CHED ay magandang balita para sa pangamba ng mga estudyante, magulang, at mga HEIs na nagpapatupad ng medical education.

LATEST

LATEST

TRENDING