DSWD: Mahigit 11k ‘waitlisted’ beneficiaries, nakatanggap ng ayuda mula sa SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista

11,383 mula sa 5 milyong waitlisted na mga benepisyaryo, ang nakatanggap na ng ayudang pinansyal mula sa ikalawang bugso ng social amelioration program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang mga nabigyang benepisyaryo, sa kabuuang halaga na P64.3 milyon, ay mula sa mga geographically isolated and disadvantaged areas sa rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region.

Iginiit ng kalihim na P6.8 bilyon na ang naipapamahagi sa 1.4 milyong benepisyaryo ng ikalawang bugso ng SAP at inaasahan umano na madaragdagan pa ito sa pag-arangkada ng digitial payouts sa Biyernes, Hulyo 3.

Ayon sa ahensya, nag-umpisa ang pamimigay sa mga waitlisted beneficiaries noong Hunyo. Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipabilang ang limang milyong mahhihirap na pamilyang hindi naisama sa SAP noong nasa modified enhanced community quarantine pa ang ilang bahagi ng bansa.

Nasa 98 porsyente naman ang nakumpleto sa pamamahagi ng unang alon ng SAP bagama’t nabalot ng alegasyon ng pagkaantala at katiwalian.

Samantala, 396 na mga Pilipinong na-stranded sa Sabah, Malaysia ang inaasahang makakauwi sa Sabado, Hulyo 4. Kasakuluyang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa iba’t-ibang ahensya at nakapaglaan na ng P39 milyon para magsilbing tulong sa mga magsisipag-uwiang residente.

Tinatayang nasa 5,300 na mga Pilipino mula Sabah ang inaaasahang tutulungang makauwi ng pamahalaan.

Naunang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na isasakatuparan ang paglalakbay sa ilang batch na may 400 katao na may 15-day interval sa pagitan ng mga pagbiyahe.

LATEST

LATEST

TRENDING