Cebu City Mayor: Walang panganib sa pag-deploy ng military trucks

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: AGENCE FRANCE-PRESSE

Walang panganib na nakikita si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa deployment ng military trucks sa lungsod bilang kabahagi ng pagtugon kontra Covid-19, bagama’t naunang ipinahayag ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na baka magdulot ito ng takot sa mga residente.

Ayon kay Labella, “There is no harm if there are military personnel, military tanks… This fight against coronavirus is like a war. This kind of war is rather more difficult because we are fighting an invisible enemy (Walang panganib kung may presensya ng militar. Ang laban sa coronavirus ay parang digmaan. Subalit, mas mahirap ito sapagkat hindi natin nakikita ang kaaway)”.

It requires all of us residents some kind of self-discipline (Kinakailangan ng disiplina sa sarili mula sa bawat residente)… The visibility of our military and PNP personnel, and of course show of force, is one of the ways we can show and impose discipline (Ang presensya ng militar at pulis, at pagpapakita ng kamay na bakal, ay isa lamang pamamaraan ng pagpapatupad ng displina),” dagdag pa ng alkalde.

Noong nakaraang linggo, kinuwestyon ni Robredo ang pag-deploy ng mga tangkeng militar sa Lungsod ng Cebu matapos ipasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lungsod pabalik sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paglobo ng bilang sa mga kaso ng Covid-19.

“This is a health pandemic. Bakit may mga tanke sa daan? The military has been very helpful, even to our office, pero I think we should take a more public health approach,” ani Robredo.

Dagdag pa niya, “Ang problema ko rito, ‘pag nakita na ng mga tao iyong tanke, ‘Ano ba to, giyera?’ Iyong giyera natin dito against COVID-19 at hindi ito nadadaan sa pagso-sow ng fear among the constituency.”
 
Iginiit ni Robredo na natugunan ng Iloilo Citu ang laban nito sa Covid-19 sa 4 active cases lamang. Wala ring inaresto aniya sa lungsod hinggil sa paglabag sa quarantine protocols.

I have great faith na if people understand why we need to do this, if people understand that they have a stake, that they have a responsibility (May tiwala ako sa tao na kung mauunawaan nila kung bakit natin ito ginagawa, kung mayroon silang pakinabang, at mayroon silang responsibilidad)… mas magiging cooperative sila rather than tinatakot),” pagdidiin ni Reobredo.

LATEST

LATEST

TRENDING