Año: Duterte, balak kausapin ang mga sangkot na pulis sa pamamaril ng mga sundalo sa Sulu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DILG Secretary Eduardo Año

Nais kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na sangkot sa insidenteng pamamaril na ikinamatay ng apat na Army intelligence personnel sa Jolo, Sulu, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

The President will talk with the AFP (Armed Forces of the Philippines) and PNP (Philippine National Police) commanders in Western Mindanao. He will also find time to talk with the nine PNP suspects. It’s the discretion of PRRD to talk to them. His guidance is to observe the due process and let justice run its course (Kakausapin ng pangulo ang AFP at PNP commanders ng Western Mindanao. Kakausapin din nito ang siyam na PNP suspek. Desisyon ng pangulo ang makipag-usap sa kanila. Ito ay upang matiyak ang due process at pagkamit ng hustisya),” ani Año.

Gayunpaman, hindi naglabas ang kalihim ng karagdagang detalye dahilan ng seguridad. Ayon sa kanya, ipinag-utos ni Duterte ang pagsasagawa ng malawakang imbestigasyon upang malaman ang tunay na nangyari.

Iginiit naman ni Año na kilala niya sa personal ang mga nasawing sundalo noong nanungkulan siya bilang commander ng Intelligence Security Group at bilang assistant chief of staff for intelligence ng Army.

Aniya ,”I know them, kilala ko sila, alam ko kung papaano sila magtrabaho, mag-operate”.

Pinaalalahanan naman ni Año si Philippine Army (PA) chief Lt. Gen. Gilbert Gapay na maging maingat sa kanyang mga komento tungkol sa nangyaring pamamaril.

First of all, we understand the sentiment of Lt. Gen. Gilbert Gapay. But I’m also reminding him to be sensible in pronouncing or making any statement because it might add fuel to the situation (Una sa lahat, nauunawaan natin ang saloobin ni Lt. Gen. Gilbert Gapay. Subalit, pinapaalalahanan ko siya na maging sensitibo sa pagbibitiw ng pahayag dahil baka ikalala lang ito ng sitwasyon),” wika ni Año, na dating AFP chief-of-staff at PA commander.

Naunang sinabi ni Gapay na “murder at rubout” ang nangyaring pamamaril at tinaggihan nito ang ulat ng pulisya na misenconter ang naganap dahil hindi umano nagpaputok ang mga sundalo.

Ipinanawagan din ni Año ay pagsibak kay Jolo police chief Lt. Col. Walter Annayo at Col. Michael Bawayan, Sulu provincial police commander, dahil sa command responsibility.

Para naman kay Bawayan, sinabi ni Año na hihintayin muna niya ang resulta ng imbestigasyon bago magpasya.

Batay sa kwento ng mga nakakita, sinabi ni Año na wala umanong naganap na shootout sa pagitan ng pulis at militar.

“May mga available eyewitnesses na nagsasabi na wala naman talagang shootout at ito talaga ay isang rubout. Wala namang hawak na baril ‘yung Army operatives at sinasabi ng mga ating eyewitnesses na pinagbabaril na lang talaga itong mga sundalo,” paliwanag ni Año. 

Dahil sa tensyon sa lugar, hindi umano biro ang pagpatay sa sundalo nang walang dahilan.

Aniya, “Kahit na sabihin pa na hindi nagkaroon ng coordination o tamang coordination, we just don’t shoot people, kahit ‘yan ay civilian, o kahit ‘yan ay kalaban pa, na hindi nakakapag-cause ng danger sa ‘yo. ‘Di mo talaga basta-basta babarilin ang mga ‘yan”.

Ang mga sinibak na pulis na sina S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin, Pat. Alkajal Mandangan, Pat. Rajiv Putalan, Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri, M/Sgt. Hanie U Baddiri, S/Sgt. Iskandar Susulan, S/Sgt. Ernisar Sappal, Cpl. Sulki Andaki, at Pat. Mohammad Nur Pasani ay dinisarmahan na at kasalukuyang nasa kustodiya ng provincial headquarters.

LATEST

LATEST

TRENDING