WHO Chief: Covid-19 pandemic, malayo pa sa dulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus

Nagbabala si World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus noong Hunyo 29 na “malayo pa bago matapos” ang Covid-19 krisis habang pumalo na sa 10 milyong katao ang bilang ng mga kaso sa buong mundo at kalahating milyon na ang nasasawi.

Iginiit ng WHO director na kinakailangang tugunan ng mga bansa ang mga tinukoy na problema ng WHO o di kaya ay mas mahihirapan itong solusyunan ang nararansang krisis.

The virus still has a lot of room to move. We all want this to be over. We all want to get on with our lives. But the hard reality is, this is not even close to being over (Malaki pa ang lugar na ginagalawan ng virus. Gusto nating matapos ito kaagad. Gusto nating bumalik sa dati nating buhay. Subalit, malayo pa tayo sa dulo),” ani Tedros.

Ipinahayag ito ni Tedros matapos ang anim na buwan simula noong unang nadiskubre ang nakamamatay na sakit sa China.

Sa nakalipas na anim na buwan, patuloy sa pagtatrabaho ang WHO kaakibat ang mga katuwang nito upang suportahan ang mga bansa sa pagresponde sa coronavirus.

Ayon kay Tedros, bagama’t maraming mga bansa na ang nagkakaroon ng progreso sa paglaban sa virus, bumibilis naman aniya ang paglaganap ng pandemiya.

Iginiit din ng WHO chief na bagama’t mahalaga ang pagtuklas ng bakuna kontra Covid-19, importante ring tugunan ng bawat bansa ang mga dapat nitong bigyang prayoridad para makapagligtas ng maraming buhay.

Kabilang na dito ang pagbibigay kumpiyansa sa komunidad na hindi sila mawawalan ng tulong at may magagawa ang publiko upang maprotektahan ang sarili ang ibang tao.

That includes physical distancing, hand hygiene, covering coughs, staying home if you feel sick, wearing masks when appropriate, and only sharing information from reliable sources (Kabilang dito ang physicial distancing, tamang paghugas ng kamay, pagtakip tuwing umuubo, pananatili sa bahay kung nakararamdam ng sakit, pagsuot ng mask kung kinakailangan, at pag-share ng impormasyon mula sa lehitimong sources),” wika ni Tedros.

LATEST

LATEST

TRENDING